PayMongo: Easy payment platform made for everyone


As a startup founder, small business owner or freelancer, mahalaga ang fast, secure, at flexible online payment transactions para sa successful cashflow. Sa pagsibol ng PayMongo, nadiskubre natin ang pinakasimple at pinakamadaling paraan upang makipag-transact online. Pag-usapan natin kung paano mas pinapadali ng modernong payment platform na ito ang transaksyon ng mga business owners at customers, o freelancers at kanilang mga kliyente.

 

Receive payments through PayMongo Links or PayMongo API

Isa sa mga pinagmamalaking feature ng PayMongo ang payment links. Kung ikaw ay may small business o isang freelancer at wala pang website or app, puwede kang mag-generate ng link mula sa iyong PayMongo account na puwede mong i-send via chat or SMS sa iyong mga customer o kliyente. Mula dito ay makikita na nila ang product at amount na dapat nilang bayaran, at mga payment option na pinaka-convenient para sa kanila: credit/debit card, GCash, GrabPay o over-the-counter payments.

Para naman sa mga brands na may website or app, puwede mong i-integrate ang mga ito sa PayMongo para convenient sa mga customers mo at doon na mismo mag-input ng payment details at magbayad. You can easily integrate PayMongo with e-commerce sites plugins such as Shopify and WooCommerce. Once your application is approved, setting-up will take only a few minutes and you can start receiving payments from your customers immediately!

 

Secure na, User-Friendly at Hindi Masakit sa Bulsa!

Kahit na nagkaroon ng shift to digital for the last six years, naging mabagal ang pagtanggap ng mga Pilipino sa cashless payments pero sa dahil sa nangyayaring pandemic, nagkaroon ng 25% increase sa online transactions ayon sa ulat ng CNN Philippines. Dahil sa booming industry na ito, sinisigurado ng PayMongo na ligtas ang bawat transaksyon. Sa tulong ng kanilang advanced fraud detection engines, maiiwasan mo ang mga bogus buyer. Bonus: PayMongo is designed with simple features wrapped with a fresh modern look kaya naman walang kahirap hirap na mag-navigate sa dashboard at gumawa ng payment links kung ikaw ay business owner, at madadalian naman ang mga customer mo sa pag-transact with its accessibility.

Isa pang advantage ng PayMongo ay ang kawalan ng sandamukal na set-up fees and masalimuot na set-up process. Di ka rin nila hihingan ng anumang upfront payments at kung anu-anong sandamukal na papeles bago ka maka-create ng account. Kasi sa iba, ire-require ka na magbayad muna ng libu-libo at yung mga banks naman ire-require ka ng milyones na deposit para lang makatanggap ka ng credit card at debit card transactions gamit ang mga facilities nila. Sa PayMongo, di mo na kailangan yang mga yan. 

 

Paano makukuha ang Payout?

Ang pinakahihintay na tanong ng lahat: Paano ko makukuha ang payouts ko? Kapag naiproseso ito ni PayMongo at activated na ang iyong account, saka ka lang maaring tumanggap ng payments at i-claim ang iyong payout every Wednesday na direkta nilang ide-deposit sa provided bank account mo.

Kung matagal ka nang nagba-browse ng courses namin dito sa Kasiopao PH, maalala mo na ibang online payment platform ang ginamit namin noon. Dahil foreign ang payment platform na iyon, ang laki ng nababawas sa payouts namin dahil sa maraming fees. Pero ngayon na PayMongo na kami, halos di namin ramdam ang fees na pinapataw nila sa payouts namin. Panalo talaga ang mga entrepreneurs at business owners by using PayMongo!

 

Enroll to any Kasiopao PH Courses with GCash via PayMongo!

We are really impressed with PayMongo’s fast, secure, and easy payment system kaya naman we officially partnered with them para hassle-free na ang pag-process ng inyong orders! Just follow these 5 easy steps: 

  1. Select the course you want to purchase and click Add to Cart if you’ll choose more than one course, or puwede rin namang Buy it Now to instantly land on the payment page.
  2. Provide your information and click on Continue to Payment.
  3. Tick GCash via PayMongo and click on Complete Order.
  4. You’ll be redirected to PayMongo’s checkout page with your order details. Pindutin lang ang Authorize Payment para makapag-log-in ka sa ‘yong GCash account at ma-authorize ang payment.
  5. Once transaction is successful, you can now enjoy learning through Kasiopao PH’s online courses!

Sa unti-unti nating pag-shift sa online payment transactions—ikaw man ay isang big or small business, o isang freelancer—malaking tulong ang hassle-free payment system ng PayMongo para sa smooth na takbo ng iyong negosyo. Simple lang, ‘di ba? Sign-up now and grow your business online with PayMongo!

 

Ikaw ba ay kasalukuyang nag-iisip ng mga online business na pwede mong pagkakitaan? Read this 10 Pinoy online business na tiyak swak ngayong panahon ng pandemic

 ***

About Kasiopao PH

Kasiopao PH aims to democratize education for Filipinos. It teaches Filipinos financial education, skill-building and entrepreneurship.


Leave a comment