10 Pinoy Online Business Ideas na swak kahit may pandemic


Isa ka bang OFW na nagbabalak na umuwi o kakauwi lang sa Pilipinas dahil sa kasalukuyang pandemic? Nag-iisip ka ba ng business na pwedeng simulan pagkatapos ng krisis na ito ngayong 2020? Pero paano mo nga naman magagawa ito kung limitado lang ang galaw natin sa panahon ng GCQ? Ang sagot: Gawing online!

Gusto ka naming tulungan. Kaya heto gumawa kami ng listahan ng mga online business ideas at mga raket na pwede mong pasukin ngayon din!

1. Online loading station

Nangunguna sa listahan ang online loading station dahil lahat ng tao ngayon, kailangan ng data o load para makapag-internet. Pero dahil sa karamihan ay di na makalabas ng bahay dahil sa coronavirus na yan, pwede kang mag-benta ng load gamit sa pamamagitan ng GCash. Pwede kang magbenta ng load products ng Globe, Smart and Sun gamit ang GCash mo. Mag-download ka lang ng GCash, sumailalim sa verification process at mag cash-in online at offline. Bingo! Meron ka nang wallet balance na pwedeng ipuhunan sa load. Syempre, ikaw na bahala maglagay ng mark-up o patong sa load na ibebenta mo. Oh di ba?! Yung smartphone mo, naging negosyo mo na. Astig!

2. Online selling

Gamit ang Facebook, pwede kang magbenta online. Karamihan sa nakikita nating online sellers sa Facebook ay mga nagbebenta ng damit, relo, sapatos, pagkain, facemask, alcohol, furniture, appliances, sasakyan, bahay at pati na rin mga collectors’s items. Ngayong panahon ng pandemic, lahat halos nakatutok sa Facebook. Kaya malaki ang potential mong makabenta dito.

3. Online stocks trading

Alam mo ba na maraming mga Pinoy na nadagdagan ang yaman simula nung nagdeklara ng ECQ? Mula sa mga ordinaryong mga Pilipino hanggang sa mga CEO ng malalaking kumpanya dito sa Pilipinas, karamihan sa kanila ay kumikita ng libu-libo at milyun-milyon dahil sa pagba-buy and sell ng mga bagsak-presyong stocks sa stock market ngayon. Hindi pa masyadong alam ng maraming Pilipino ang stocks trading. Katunayan, halos 1% lang ng populasyon natin ngayon ang nag-iinvest at nagti-trade sa ating stock market di tulad ng mayayamang bansa. Kaya pagkakataon mo na ito. Enroll ka sa aming Free Online Course na “Intro to Stocks Investing and Stocks Trading” para malaman mo kung paano.

4. Online palengke

Dahil marami sa mga kababayan natin ang ayaw lumabas dahil natatakot mahawaan ng virus sa mga palengke at supermarket, pwede kang mag-launch ng isang online store sa iyong lokal na nasasakupan. Gawa ka lang ng FB page o website at kontratahin mo yung mga may-ari ng tindahan sa palengke malapit sa inyo. Ang sistema, ikaw yung magiging online store nila. Sayo dadaan yung mga advance orders ng mga customers nila na siya namang magiging basehan nila sa uri at dami ng bibilhin nilang imbentaryo kada-araw o kada-linggo.

Kung may sasakyan ka, matutulungan mo pa silang i-deliver yung mga orders ng mga customers para makatipid sila sa delivery at makapag-focus sa paghahanda ng mga orders. Dahil sa serbisyo mo, magiging efficient sila, mababawasan ang unsold inventory nila, makakabawas sila sa delivery expenses at stress dahil hindi na sila dudumugin ng mga customer at masusunod ang social distancing panigurado. Dahil sa mga yan, kumisyunan mo sila mula 10% hanggang 20% ng benta nila na dumaan sayo.

5. On-demand home services

Dahil pa rin sa pandemic, marami pa ring mga negosyo ang hindi makapagbukas o di kaya naman ay bukas na sila pero walang pumupuntang customer. Pinaka-kritikal rito yung mga service business tulad ng mga repairs and maintenance services, cleaning services at maging ang mga personal care services tulad ng mga barberya, salon, massage shops at mga nail spa. Pwede kang maging tulay sa pagitan ng mga negosyong ito at ng mga customers nila. Bukod sa pagku-konekta online, pwede ka rin makatulong sa queueing system nila para masigurado na magkaroon ng scheduling system at mapatupad ang social distancing.

6. Online teaching

Meron ka bang kaalaman o skills na mapakikinabangan ng nakararami? Willing ka bang i-share ito? Pwede mong ibahagi yan gamit ang online learning. Gamit lamang ang Facebook sa pagpo-promote at Zoom app para sa online meeting functionality, pwede ka nang magkaroon ng online school. Pwede ka rin makipag-partner dito sa amin sa Kasiopao kung gusto mong i-host at i-market namin ang iyong online course. After all, Kasiopao aims to democratize education kaya lahat ng online teachers at platform ay itinuturing naming ka-partner. Just email us at kasiopao.social@gmail.com.

7. Virtual Assistant

Alam mo ba na ang mga sikat na online personalities at negosyante dito sa Pinas o maging sa ibang bansa tulad nina Tim Ferriss, Gary Vaynerchuck, at marami pang iba ay nage-employ ng mga virtual assistants na Pinoy? Ang virtual assistant ay isang self-employed na professional na nangangasiwa ng mga teknikal at administratibong pangangailangan ng mga negosyante sa ibang bansa. Maraming pwedeng gawin bilang virtual assistant – mula sa simpleng pag-eemail sa mga prospects, pag-aayos ng schedule, pagko-coordinate ng mga tasks ng team, at maging pagre-research. Advantage kasi natin talaga ang pagiging magaling natin sa English kaya tayo ang kadalasang nagiging online professionals ng maraming foreigners. Kung gusto mong maging virtual assistant, maraming freelancer sites na pwede mong pasukin tulad ng Upwork, Fiverr, at Rumarocket.

8. Affiliate Marketing

Ang Affiliate Marketing ay isang uri ng pagma-market ng mga websites at mga produkto ng online companies gamit ang internet. Para kang nag-aadvertise ng mga online products o services ng mga internet companies at mga online influencers, gamit lamang ang mga links, coupons at landing pages na pino-post either sa sarili mong website o sa social media account mo. Kikita ka rito sa pamamagitan ng commission sa bawat mako-convert mo na internet traffic. Sa ganitong paraan kumikita ang mga online personalities sa YouTube, Instagram, SnapChat at Facebook.

9. Dropshipping

Alam mo bang ang youngest billionaire sa mundo na si Kylie Jenner ay naging bilyonaryo dahil sa business model ng dropshipping? Ang dropshipping ay isang supply chain management method na ang isang nagbebenta ay hindi nagi-stock ng imbentaryo sa warehouse o bahay man niya kundi nagsisilbing tulay lamang siya ng mga customer niya sa mga manufacturer, supplier o mga retailer ng produktong binebenta niya. Ang mga manufacturer, supplier at retailer ang totoong magsi-ship ng mga produkto sa customer at hindi ang dropshipper tulad ni Kylie. Taga-kuha lang siya ng order kumbaga at kumikita siya tulad ng kita ng totoong retailer rin. Check mo Kylie Jenner's Billion Dollar Dropshipping Business.

10. Online bookkeeping

Lahat ng mga magiging negosyante mula sa mga business ideas sa itaas, at yung mga kasalukuyang small business owners, nangangailangan ng bookkeepers yan. Bookkeeping ay ang pagre-record ng lahat ng transaksyon ng isang negosyo. Actually, kung meron mang mga professionals na di nawawalan ng trabaho magkaroon man ng recession o expansion ng ekonomiya, yan ay ang mga bookkeepers. Pag nagbukas ng negosyo, kailangan ng magma-manage ng libro. Pag magsasara ang negosyo, kailangan rin sila. Katunayan sila yung mga hindi agad-agad natatanggal kahit may lay-off. Magkakaroon tayo ng Kasiopao Online Bookkeeping Course sa halagang P1,999 lamang. Pero ibibigay namin ito nang libre sa unang sampu (10) na mag-eenrol sa ating course. Kaya register ka na dito!

Tandaan, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging ma-diskarte kahit nasa gitna ng krisis. Pairalin ang pagiging malikhain, samahan ng sipag at tiyaga at siguradong aasenso sa pagne-negosyo mapa-krisis man o hindi. Nandito ang Kasiopao PH team para tulungan kang magsimula.

Ngayon natatakot ka dahil sa ita-tax ka ni BIR? Naku wag po. Basahin mo itong article na sinulat namin para sa topic na yan.

***

About Kasiopao PH

Kasiopao PH aims to democratize education for Filipinos. It teaches Filipinos financial education, skill-building and entrepreneurship.


1 comment


  • Rosalinda Naraga

    I wanted to know book keeping if its a free thanks.


Leave a comment